Orcollo pinuri ni Villar

Magpa-file si Senate President Manny Villar ng isang resolution para sa pagpuri sa kasalukuyang world no.1 Dennis Orcollo sa pagwawagi nito ng ikalimang yugto ng 2008 Guinness 9-Ball Tour kamakailan sa Guangzhou, China.

Pinuri ni Villar, na naging pinakamalaking benefactor ng Philippine billiards, si Orcollo sa patuloy na pagbibigay nito ng karangalan sa bansa.

“By winning that topnotch tournament, Dennis didn’t just live up to his tag as the world no.1 billiards player today, he also added another proof to the Philippines’ dominance in the sport,” ani Villar, na ang Villards: Tulong sa Pagsulong ng Philippine Sport, ang pinakamalaking isponsor ng mga Pinoy cue artist, lalo na sa mga miyembro ng Billiards Managers and Players Association of the Philippines.

“Once again, Dennis has done the Philippines proud and has shown to the world the spirit of Filipino competitiveness and excellence,” dagdag ng Senate President.

Pinuri din ni Villar si Alex Pagulayan, ang unang Pinoy na nagwagi ng Guinness title nang maghari ito sa Singapore leg noong nakaraang buwan.

Show comments