^

PSN Palaro

Bancod, Bitoon nagpakitang-gilas

-

Bagamat hindi kalahok si GM Eugene Torre, nagkampeon pa lamang sa President Gloria Macapagal Arroyo Cup, nananatiling kumakasa ang mga pambato ng bansa sa kasalukuyang ginaganap na fourth Prospero Pichay Cup international chess championship.

At sa pagkakataong ito, muling nagpakitang gilas sa pigaan ng utak sina IMs Ronald Bancod at Richard Bitoon.

Isang araw matapos na gumawa ng malaking upset na panalo laban sa eight seed GM na si Marat Dzhumaey ng Uzbekistan, muli na namang umiskor si Bancod ng malaking panalo laban sa kapwa Pinoy at No. 16 seed GM na si Darwin Laylo upang makasama sa maagang listahan ng mga liderato sa Duty Free Fiesta Mall sa Parañaque City.

Ang 37-anyos na si Bancod, isang political science graduate ng University of the Philippines, tumapos lamang ng tatlong puntos para sa 66th place sa third PGMA Cup kamakailan, ay isang panalo na lamang ang kailangan upang malampasan niya ang nakaraang masamang kampanya sa nasabing torneo.

At ang kanyang itinalang back-to-back na panalo laban kina Dzhumaey at Laylo ang nagpalakas ng kanyang kampanya sa nine-round tourney na ito matapos ang dalawang rounds.

Sa kabilang dako naman, isa ring upset na panalo ang itinakas ni Bitoon ng kanyang malusutan ang eight seed GM na si Zhou Weigi ng China, unang ginapi ng 32-anyos chess players si Wang Xiaohui ng China.

Bunga nito sina Bancod at Bitoon ay nakasama na sa elite cast na trangko ang maagang pamumuno taglay ang tig-2 puntos.

Kasama nila sa liderato na may dalawang puntos sina top seed GM Murtas Kazhgaleyev ng Kazakhstan, second seed GM Zhang Zhong ng Singapore, sixth seed GM Wesley So, ninth seed GM Susanto Megaranto ng Indonesia, No. 10 seed GM Jayson Gonzales,   No. 14 seed GM Saidali Iuldachev ng Uzbekistan, at No. 15 GM Li Shilong at No. 21 Wan Yunguo ng China. 

Tinalo ni Kazhgaleyev si GM-candidate Julio Catalino Sadorra sa top board.

vuukle comment

BANCOD

BITOON

DARWIN LAYLO

DUTY FREE FIESTA MALL

EUGENE TORRE

JAYSON GONZALES

JULIO CATALINO SADORRA

LI SHILONG

MARAT DZHUMAEY

SEED

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with