^

PSN Palaro

Torre bandera pa rin sa unahan

-

Muling nagpamalas ng kanyang matikas na porma si GM Eugene Torre nang igupo nito ang Asian Indoor Games gold medalist at top seed GM Murtas Kazhgaleyev ng Kazakhstan sa mahabang 73 sulungan ng Nimzo Indian upang palakihin ang kanyang pamumuno sa third  President Gloria Macapagal-Arroyo Cup international chess championship sa Duty Free Fiesta Mall sa Parañaque City.

Ang 56 anyos na si Torre, most acclaimed Pinoy player, ang nakakuha ng tamang sulong sa mahigpitang bakbakan na tumagal ng apat na oras at makangiti sa pagtatapos ng isa namang mabungang araw sa 9-round tournament na ito.

“I’m very happy to win this one. It was really a long  and tiring struggle against Murtas,” anang nakahingang si Torre, na umaasang mapagwawagian ang kanyang unang major international tournament sa nakalipas na limang taon.

“Mahaba pa ang laban,  but obviously my chances are a lot better now,” dagdag ni Torre, na tinalo ang lahat ng limang dayuhang kalaban sa isang mahusay na performance na nagbalik sa kanyang ginintuang panahon bilang isa sa kinakatakutang chess player sa Asya.

Ang panalo--ikalima sa gayundin karaming laban ang nagbigay kay Torre ng buong isang puntos na abante kay second seed GM Zhang Zhong ng Singapore,  defending champion Li Chao ng China at fourth seed GM Ehsam Ghaemmaghami ng Iran may apat na rounds pa ang nalalabi sa $40,000 tournament na ito.

Nagparamdam din si Zhang, susunod na kakalabanin ni Torre, sa kanilang pinakahihintay na bakbakan, makaraang igupo si No. 17 GM Li Shilong ng China.

Si Li, na nagkampeon noong nakaraang taon dahil sa may pinakamataas na tiebreak score sa three-way, ay nanaig kay GM Darwin Laylo ng Philippines.

Tinalo naman ni Ghaemmaghami, ang highest-rated Iranian player at regular campaigner sa local circuit, si IM Weimign Goh ng  Singapore upang samahan sina Zhang at Li sa three-way tie para sa second hanggang fourth places na may four points..

Nakipaghatian naman ng puntos si  three-time national junior champion at GM-candidate John Paul Gomez kay GM Weiqi Zhou ng China upang hatakin ang malaking grupo ng players na may 3.5 puntos.

Nakipag-draw din sina GM Mark Paragua  at IM Julio Catalino Sadorra.

vuukle comment

ASIAN INDOOR GAMES

DARWIN LAYLO

DUTY FREE FIESTA MALL

EHSAM GHAEMMAGHAMI

EUGENE TORRE

JOHN PAUL GOMEZ

JULIO CATALINO SADORRA

LI CHAO

LI SHILONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with