^

PSN Palaro

Laptop at cellphone unang bibilhin ni Wang sa insentibong tinanggap

-

Isang bagong laptop at cellphone ang unang mga bagay na bibilhin ni wushu master Willy Wang mula sa kanyang natanggap na P6 milyong cash incentives.

 “Gusto kong bumili ng laptop para may free internet ako lagi, tapos bagong cellphone,” wika ng 24-anyos na si Wang, ang sinasabing pinakamayamang national athlete ngayon makaraang makakuha ng kabuuang P6 milyong insentibo.

 Matapos angkinin ang gintong medalya sa wushu competition, itinalaga lamang bilang isang ‘special Olympic event’ sa nakaraang 29th Olympic Games sa Beijing, China, bumaha na ang premyo kay Wang.

 Nagbigay si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng P5 milyon kay Wang, isang World Cup at Asian champion, bukod pa ang P500,000 galing kay First Gentleman Atty. Mike Arroyo noong nakaraang linggo.

 Cash incentive na P500,000 naman ang natanggap ni Wang mula kay San Miguel Corporation president Ramon Ang noong Miyerkules para sa kabuuan niyang P6 milyong insentibo.

 “Gusto ko sanang magkaroon ng computer business from my incentives, pero sabi ng mga coach ko masyado pa akong bata at dapat i-continue ko pa ‘yung training at pagko-compete ko,” wika ni Wang.

 Matapos ang 2008 Beijing Games, paghahandaan naman ni Wang ang 2008 Trex Games sa Agosto sa Taiwan at ang 25th Southeast Asian Games sa Laos sa 2009 kasama sina Mary Jane Estimar, Benjie Rivera at Marianne Mariano.

 Si Estimar ang nag-uwi ng silver medal mula sa 2008 Beijing Games, habang tig-isang bronze medal naman ang ibinulsa nina Rivera at Mariano. (RC)

vuukle comment

BEIJING GAMES

BENJIE RIVERA

FIRST GENTLEMAN ATTY

META

MICROSOFT WORD

MSO

STYLE DEFINITIONS

TIMES NEW ROMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with