Hi-tech at magandang PBA coverage inihanda ng Solar Sports
Pagpunta ni PBA commissioner Sonny Barrios sa Amerika, wala na siyang dapat alalahanin sa coverage na gagawin ng Solar Sports sa darating na 2008-2009 season ng liga.
Ngunit habang nagbabakasyon sa Amerika, kailangan niyang mag-isip kung sino ang kanyang iluluklok na coach ng bubuuing national team bago siya bumalik sa bansa makalipas ang tatlong linggo.
“I hope to give the matter really a careful thought while I’m there,” pahayag ni Barrios. “(Upon my return) I’ll be summoning whoever is my choice for a private talk. Then I’m going to make an official announcement.”
Napupusuan ng PBA board si Red Bull Yeng Guiao gayunpaman, na kay Barrios pa rin ang huling desisyon dahil siya ang binigyan ng awtoridad para mamili. “I’m keeping my options open. I’m not committed to any coach,” aniya.
Bago umalis si Barrios, siniguro sa kanya at kina PBA chairman Joaqui Trillo, outgoing chairman Tony Chua, executive director Rickie Santos, media bureau chief Willie Marcial at finance manager Jimmy Sunglao, ni Solar chief operating officer Peter Chanliong na ‘hightech’ ang kanilang gagawing coverage sa 34th season ng PBA na magsisimula sa October 4.
“The coverage will be second to none,” ani Chanliong.
Ipinormalisa ng Solar at PBA ang partnership sa pagpirma ng tatlong taong kontrata sa pakikipagpulong ng mga PBA officials sa Solar representative na sina chairman William Tieng at president Wilson Tieng kamakalawa sa Salcedo Village, Makati.
Sinabi naman ni Barrios na mamimili siya sa 10-coaches sa PBA teams na siyang bibigyan ng awtotidad na mamili ng kanyang mga players tulad ng nakagawian, para sanayin.
Habang nasa Amerika, makikipag-ugnayan si Barrios kay Talk N Text board representative Ricky Vargas para sa paghahanap ng magiging sponsor ng national team.
Samantala, pinapirma na ng Red Bull sina Cyrus Baguio at Carlo Sharma ng mas malaking kontrata.
Si Baguio, Most Improved Player awardee, ay tatanggap ng P270,000 kada-buwan sa kanyang unang taon at maximum salary na P350,000 sa susunod na season.
Nakatakda ring papirmahin ni Red Bull governor Tony Chua ang kanilang mga rookie draftees na sina Larry Rodriguez at Jeff Chan at mamimili pa sila kina Al Magpayo at Christian Cabatu. (Mae Balbuena)
- Latest
- Trending