BEIJING-- Magsasara na ang kurtina ng 29th Beijing Olympics ngayong gabi na puno ng mayamang sandali at maningning na tagumpay na maaring pumigil sa iyong hininga.
Ilang oras simula alas-8, ang lungsod na ito ng mga nakangiting tao, at hindi mabilang na sky-scrapers at makasaysayang wonders ang muling magbibigay ng kakaibang party para sa isa sa kinokonsiderang pinaka-engrande at pinakamahal na Summer Games.
Ang mga naiwan ng nagsimulang 10,500 malakas na lahok mula sa record na 205 bansa ang magsasama-sama sa architectural marvel na kilalang Bird’s Nest para sa closing ceremony kung saan tradisyunal na pinamamahayan ng mga atleta para sa pagpapaalam at pangakong muling magtatagpo.
Makikita ang lahat sa seremonyas kung saan inaasahan ang huling malalim na gabi--ang pakikihalubilo ng mga atleta, pagpapalitan ng souvenirs at uniporme, pagpapakuha ng larawan kung saan ang magkalaban ay magpapalitan ng high five at magiging magkaibigan uli.
Magkakaroon ng kantahan, sayawan at fireworks sa pagsisikap ng organizer na ang party ay hindi makakalimutan matapos ang nakalipas na 17 araw na pakikihamok sa 308 events na ikinalat ng 28 sports.
May mga hindi makakalimutang sandali at mukha.
Ang pinakamalaki sa lahat ay ang American swimmer na si Mchael Phelps at ang kanyang mahikang siyam na araw sa kamangha-manghang Water Cube, na iiwan niyang may malaking halaga.
Ito ang kanyang 8-gold medal na hinakot sa pool na tumalo sa 7-gold medal ng kababayang si Mark Spitz sa 1972 Munich Olympics at mag-iwan ng matinding alaala sa Beijing Games. Ang 23 anyos na si Phelps ay nagwasak ng pitong world records, nagtakda ng isang Olympic mark at humakot ng career gold na 14, na pinakamarami na sa mga Olympians.