^

PSN Palaro

Pangarap ni Go winasak ng Aussie

- Ni Gerry Carpio -

BEIJING -- Isang wild card mula sa Australia ang sumira sa pangarap ni Tshomlee Go makaraang patalsikin ito sa unang round at tuluyang maglaho ang pangarap na gintong medalya sa Olympic teakwondo competition kahapon.

Dalawang malinaw na tama sa katawan sa ikalawang round ang pinakawalan ng Australian jin na si Ryan Carneli upang makontrol ang laban para sa 1-0 panalo bagamat binigyan ito ng penalty point sa ikatlo at huling round ng kanilang flyweight (-58 kg.) engkuwentro sa Beijing University of Science and Technology.

Ayon kay Philippine media affairs coordinator Joey Romasanta iyak nang iyak si Go sa loob ng 20 minuto bagamat inalo ito ni Korean coach Kim Hong Sik sa dressing room matapos lisanin ang playing hall.

Masama ang loob na hindi man lang sumipot sa mixed zone si Go kung saan ginaganap ang interview sa mga atleta ng mga journalists. Papasok na sana si Kim, sa zone ngunit umatras ito nang makita niya ang mga Manila reporters at TV crew.

Nagpakawala si Go ng dalawang kicks na tanging nagawa  nito sa first round ngunit parehong hindi naiskoran.

Nagpalitan ng sipa ang dalawa sa second round ngunit walang makatama sa dalawa habang patuloy sa pagtsicheer ang isang grupo ng Filipino crowd na sumisigaw ng “Pilipinas, Pilipinas” sa pangunguna nina Philippine Sports Commission chairman William “Butch” Ramirez, Philippine Olympic Committee president Jose “Peping” Cojuangco, chef de mission Monico Puentevella at taekwondo president Robert Aventajado.

Nakasilip ng pagkakataon ang 20-gulang na Australian na di nakalusot sa first round ng 2007 World Championships sa Beijing,  para sa 45-degree kick sa katawan at gumanti ito sa sipa ni Go sa pamamagitan ng defensive kick sa katawan para sa 2-0, ilang segundo bago matapos ang round.

Dahil may dalawang minuto na lamang ang natitira sa laban para sa third round, isang sipa sa ulo ang pinakawalan ni Go para sa dalawang puntos na sana ay magtatabla ng iskor ngunit hindi ito napuntusan.

May pagkakataon pa si Go na itabla ang laban nang patawan ng referee si Carneli ng one-point deduction matapos ang second warning dahil sa pag-atras nito sa third round ngunit hindi nakaatake si Go at naipreserba ng Australiano ang kalamangan.

Sisikapin nina taekwondo jin Mary Antoinette Rivero at diver Ryan Rexel Fabriga na bigyan ng karangalan ang bansa sa kanilang pagsabak bukas sa pagtatapos ng kampanya ng Philippines sa quadrennial meet.

vuukle comment

BEIJING

CITY

JOEY ROMASANTA

KIM HONG SIK

PLACE

ROUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with