Pinoy jins lumakas ang tsansa sa medalya
BEIJING — Bitbit ang suwerte sa draw, kumpiyansa sina national coach Kim Hong Sik at Rocky Samson na makakatuntong ang kanilang mga bataan sa medal round ng Beijing Olympics taekwondo competitions.
Nagpahayag ng kasiyahan ang dalawang coach sa tsansa nina Tshomlee Go at Toni Rivero matapos ang draw kahapon kung saan naipares sila sa medyo magaan na kalaban sa unang round.
Ang draw ay ginanap sa
Makakalaban ni Go ang Australian champion na si Ryan Carneli sa unang round ng kanilang flyweight (67 kg) class simula alas10:00 ng umaga bukas.
Ang panalo ay magbibigay kay Go ng quarterfinals makalipas ang dalawang oras. Tatlo pang panalo quarterfinalsemis at final ay magbibigay sa kanya ng gintong medalya bago matapos ang gabi.
Masuwerte din ang draw kay Rivero kung saan makakalaban niya ang Croatian na si Sandra Saric sa unang round sa Biyernes naman. Ang panalo ay magbibigay kay Rivero ng quarterfinals at posibleng makalaban ang kinakatakutang Korean at twotime champion na si Whang Kyungseon.
“We have to be careful because these (16) players (in both men and women’s division) have prepared for this event,” ani Samson, na tatayo sa corner ni Rivero. “If you win in the first round you have a 50 percent chance of winning a medal.”
“If their performance is up to the level, we have a good fight. If they win in the first round, they will be more composed to fight in the next rounds all the way to final,” aniya pa.
Nagpahayag naman ng kasiyahan si Kim, na tatayo sa corner ni Go sa nangyaring draw.
“The draw of Tshomlee very good. The draw for Toni not bad,” ani Hong. “Chance for a medal, yes (it) can be gold.”
Sinabi nito na maganda ang draw para kay Go dahil ang pinakamalakas na player na nasa kabilang bracket, bagamat sinabi ring ang karamihan sa 16 players sa kanyang division ay pawang mga worldcaliber.
“On fight day, some will be strong, depends on the mindset, but his Korean training very good now. He can win gold,” aniya.
Gayunpaman, sinabing magaan ang kanilang unang round na asignatura, hindi dapat magoverconfident ang dalawang Pinoy jins dahil krusiyal ang unang round. Ang kabiguan ay nangangahulugan ng pagtatapos ng kanilang kampanya sa mahabang araw na kompetisyon.
Sa ilalim ng bagong format, ang player na makakawalis ng lahat ng apat na laban ay magwawagi ng ginto at ang talunan ang silver. Ang mabibigo ay may tsansa para sa repechage (loser’s bracket) pero para lamang sa dalawang bronze medal.
Ang kuwalipikado sa repechage ay ang mga players lamang na natalo ng finalist. Ang dalawang semifinal losers ang maglalaban sa dalawang winner mula sa first round para sa dalawang bronze.
Sinabi ng kanilang mga coach na ang kanilang first round na kalaban ay hindi hahantong na finalists.
- Latest
- Trending