So, nakuntento uli sa draw

GAZIANTEP, Turkey — Dumaan sa butas ng karayom si  GM Wesley So bago nakipag-ayos ng isang  importanteng draw kay IM Tornike Sanikidze ng Georgia sa eighth round ng 2008 World Junior Chess Championships sa ehit Kamil Municipality  Sport Hall dito.

Ang 14 anyos na si So, na umaasang mapapaganda ang kanyang 20th place finish sa Yerevan Armenia noong nakaraang taon, ay nakabangon sa kumplikadong middlegame at makaalpas sa mabigat na pressure sa malakas na e-pawn ni Sanikidze sa ikatlong rank.

Ang pakikipagdraw na ito ni So na may tatlong panalo at limang draws ay nagbigay sa kanya ng 5.5 puntos na sapat lamang para makisosyo siya  sa 8th hanggang 14th place kasama sina GMs Nguyen Ngoc Truong Son ng Vietnam,  Dmitry Andreikin ng Russia at Parimerjan ng Ukraine at Sanikidze.

Hindi naman naging masuwerte ang kababayang si  NM Haridas Pascua.

Matapos ang three-game wining streak ng 15 anyos na si Pascua, yumuko ito kay  IM Prasad Subramamanian Arun ng India.

Show comments