Walsh, Diaz nagtala ng bagong record
BEIJING — Kapwa kinapos sina Fil-American James Walsh at teenager Hidilyn Diaz sa kanilang medal target ngunit nagsulat naman ng bagong marka sa kanilang disenteng ipinakita sa swimming at weightlifting competitions sa 29th Olympic Games kagabi.
Nilangoy ni Walsh ang bagong Philippine mark, nagtakda ng panibagong Southeast Asian Games at umahon sa pool para tanghaling kaunaunahang Pinoy na makapasok sa two-minute barrier sa isang napakalaking performance sa 200m butterfly heats kagabi sa Water Cube dito.
Si Walsh ay naorasan ng 1 minute, 59-39 seconds at manguna sa second heat at tumapos na pang-29th mula sa 44 finishers sa event na binanderahan ni American Michael Phelps, na nagtala ng bagong Olympic record na 1:53.70.
Bagamat nabigo itong makasama sa 16-man semifinals, ang pangalan niya ay nailista sa libro bilang kauna-unahang Pinoy na lumangoy ng mababa sa dalawang minuto.
Napaganda ni Walsh ang kanyang record na 2:00.42 na kanyang inilista sa 2007 ConocoPhilips USA Swimming Championships noong July 31 noong nakaraang taon upang makapasok sa Olympics. Ang Olympic qualifying time sa 200m butterfly ay 2:01.94.
Ang oras ni Walsh na 2:00.94 bago ang heat kahapon ay ika-103 na pinakamabilis sa buong mundo. At ngayon kasama na siya sa top 30 at lumalapit sa top 10 sa buong mundo sa ilalim ni long-time US coach Anthony Nestey, ang 1988 Seoul Olympics gold medalist.
Si Diaz, kinukunsiderang pinakamaningning na pagasa ng Philippine weightlifting, ay bumuhat naman ng bagong national record sa 58 kg. category sa kanyang unang Olympic appearance ngunit hindi naging sapat ang kanyang pagsisikap na nagdala lamang sa kanya sa ika-11th place mula sa 12 kalahok.
Ngunit pagbalik ng Pilipinas, sandali lamang itong magbabakasyon at ipagpapatuloy ang kanyang ikalawang bahagi ng pagsasanay sa
- Latest
- Trending