Ika-7 sunod na panalo asam ng JRU

Tangka ng Jose Rizal University ang ikapitong su-nod na panalo sa pakikipag-harap sa College of St. Be-nilde sa alas-2:00 ng hapon na susundan ng pakikipag-sagupa ng defending cham-pion San Beda kontra sa Phi-lippine Christian University sa alas-4:00 sa pagpapatuloy ng NCAA seniors basketball tournament.

Nasolo ng Heavy Bom-bers ang ikalawang puwesto sa 6-2 kartada sa likod ng nangungunang Letran (7-1) matapos maitakas ang 51-48 panalo sa Perpetual noong Sabado. Nasa third place  ang Red Lions na may 5-2 record habang nangungule-lat ang PCU Dolphins na may 1-7 karta.(MBalbuena)

Show comments