^

PSN Palaro

Olympic flame dumating na sa Beijing

-

BEIJING--Dumating na dito ang Olympic flame sa pinal na destinasyon nito nitong Huwebes sa bisperas ng Olympic Game opening ceremony at itinakbo ito ng torchbearers sa palibot ng makasay-sayang Great Wall of China.

Matapos ang maikling seremonya sa landmark na Badaling section ng heritage site, daan-daang mga tagahanga ang nagwagayway ng dilaw at pulang pompoms at nagbubunyi para sa unang torchbearer na si Li Zhonghua.

“If you don’t go to the Great Wall, then you’re not a real man,” wika ni Li, isa sa pinakatanyag na air force test pilots ng China, “It’s the appropriate for a soldier to start the torch relay for the Great Wall leg, because the Great Wall is a symbol of China and a symbol of the People’s Liberation Army,” dagdag pa ni Li.

Ang 15-minutong pagtakbo sa palibot ng makasaysayang pader ang isang hakbang palapit sa pagtatapos ng mahabang pagtakbo ng torch sa buong mundo kung saan sa Biyernes ng gabi ay opisyal na itong titigil sa pagsindi ng cauldron sa opening ceremonies ng 29th Beijing Games.

Dito na mananatiling nakasindi ang ningas sa pagdating sa Beijing National Stadium--na kilala bilang Bird’s Nest--na maingat na binabantayan. May mga espekulasyon ang mga Chinese na sisindihan ang bunganga ng statue ng phoenix na sumisimbolo sa mythical Greek bird na nagbalik sa kanyang pugad.

BADALING

BEIJING GAMES

BEIJING NATIONAL STADIUM

BIYERNES

GREAT WALL

GREAT WALL OF CHINA

LI ZHONGHUA

LIBERATION ARMY

OLYMPIC GAME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with