LOS BAÑOS — Para sa mga swimmers na sina Miguel Molina, Daniel Coakley, Ryan Arabejo, JB Walsh at Christel Simms matayog na pangarap ang makalangoy ng gintong medalya sa Olimpiyada.
Ngunit handa ang limang swimmers na ito na ibigay ang lahat sa kanilang pagsabak sa Beijing Olympics na magsisimula na sa Agosto 8 bagamat ang swimming event ay magsisimula pa sa Agosto 10 sa National Aquatics Center ng Chinese capital.
Ginawa ng lahat ng mga swimmers ang dapat na paghahanda kasama ang kanilang mga foreign coaches na tinapos nila sa pamamagitan ng pre-Olympic swimming camp sa magarang Trace Aquatics Center sa Laguna kung saan kasama nila ang dalawang divers na sina Sheila Mae Perez at Ryan Rexel Fabriga.
Walang ipinapangakong medalya ang mga ito lalo pa’t makakasagupa nila ang mga bigating swimmers mula sa USA, Australia, Germany, Great Britain at iba pa.
“I’ll just go out and compete and try to get the best time possible,” pahayag ng pangunahing swimmer ng bansa na si Molina, ang Best Male sa South-east Asian Games sa Thailand noong nakaraang taon na sasabak sa 200M breaststroke at 200-M individual medley.
Nakatakda namang lumahok si Walsh sa 200M butterfly, si Arabejo sa 1,500M freestyle, si Coakley sa 50M freestyle at ang kaisa-isang babaeng swimmer na si Simms sa 100M at 50M freestyle.
Natuwa si former Olympic gold medal winner Anthony Nesty, ang coach ni Molina, sa paghahandang ginawa ng mga Pinoy swimmers at ang kanilang tamang attitude sa pagsabak sa kompetisyon.
”You know, this is our Super Bowl. It’s an stressful event, that’s for sure,” ani Nesty. “Still, you have to cherish every moment, no matter what, because for all you know, it would be over soon. So just relax, have fun and enjoy the moment.”
Bukod kay Nesty, ang iba pang coaches na kasama ng swimmers sa Trace College ay sina Scott Sherwood (para kay Simms), Sergio Lopez (Arabejo at Coakley), Tim Hill (Walsh), Jason Calanog (Arabejo at Coakley) at Zhiang-Dehu (Perez at Fabriga).
Ayaw ding magbigay ng assessment ni national coach Pinky Brosas sa tsansa ng mga swimmers.
“Olympic Games is going to be fast,” ani Brosas. “Qualifying in the Olympics is hard enough. So we just hope to do what we can. Breaking national records could be one of them, keeping their standings in the region and going for the top 16 are all possible.”
”You have to be realistic. The USA, Australia, Germany, Great Britain, all of them had a hard time winning their first medal. Perhaps, you can have your medal sooner than you think. I can’t fully say when, but hopefully soon,” wika ng Spanish swimmer na si Sergio ang swimming head coach sa The Bolles School sa Jacksonville, Florida kung saan niya sinanay sina Coakley at Arabejo.