4 na Milo Marathon qualifying leg sabay-sabay sa Linggo
Apat na qualifying leg ang sabay-sabay na gaganapin sa Linggo na ngayon pa lamang gagawin sa kasaysayan ng Milo Marathon na nasa ika-32 taon na.
Dahil dito tinatayang 69,000 na mananakbo ang makiki-bahagi na mas marami pa sana ang kasali ayon kina Milo officials Pat Goc-ong (Nestle AVP) at Andrew Neri (sports events executive) kung hindi lamang nag-cut-off noong July 25 upang maayos na mapa-takbo ng mga organizers ang karera sa lungsod ng Manila, Tarlac, Davao at Cebu sa August 3.
“In as much as we want to accommodate more runners, we’ve had a cut-off date to follow. But definitely, we’ve very happy with the response of the people to become a part of this historical run,” ani Gocong sa lingguhang PSA Forum sa Shakey’s
Dumalo rin si Race director Rudy Biscocho sa forum na hatid ng Shakey’s, Accel, Brickroad gym and
“This was the brainchild of Pat. When we’re first discus-sing the concept for this year’s staging, he asked us, ‘Can we do four races together in one Sunday?’ At first, we’re a bit apprehensive, but Pat is leader. He won’t lead us into some-thing if he thinks he can’t do it,” ani Biscocho.
Ang mga karera ay 21-k run para sa mga kalalakihan at kababaihan kung saan ang top-three finishers ay maka-kasama ng iba pang qualifiers sa National Finals sa Manila sa November 30. (MBalbuena)
- Latest
- Trending