Pagpunta sa Amerika, ipinagpaliban muna ni Pacquiao
Kaysa panoorin ang kanyang alagang si Filipino super bantamweight sensation Bernabe Concepcion bukas sa Las Vegas, Nevada, mas pinili ni Filipino world four-division champion Manny Pacquiao na dumalo sa gagawing State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Lunes sa Philippine Congress.
Nakatakda sanang umalis ang 29-anyos na si Pacquiao noong Huwebes patungo sa Las Vegas kung saan niya makakausap si Bob Arum ng Top Rank Promotions hinggil sa posibleng pagtatakda sa laban niya kay world six-division king Oscar Dela Hoya.
Katulad ng dapat asahan, walang reklamong narinig mula kay Arum.
“I guess Ms. Arroyo takes precedence over the (Miguel) Cotto – (Antonio) Margarito fight which Manny could watch on television in any case,” sabi ni Arum sa panayam ng www.insidesports.ph ukol sa pag-iiba ng iskedyul ni Pacquiao.
Inaasahan sanang matatalakay nina Arum at Pacquiao ang laban sa 35-anyos na si Dela Hoya, nagpaplanong magretiro sa Disyembre 6, sa nasabing pagbiyahe ng tubong General Santos City sa
“After Richard made his first proposal to me, I told him I would get back to him after I talk to Manny,” sabi ni Arum kay Richard Schaefer, ang Chief Executive Officer (CEO) ng Golden Boy Promotions ni Dela Hoya. “I can’t negotiate until I get some directions from Manny.”
Matapos ang pagdalo sa SONA ni Presidente Arroyo, itutuloy naman ni “Pacman” ang kanyang pagpunta sa United States sa Lunes. (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending