^

PSN Palaro

UE ginulat ng Adamson

-

Ito na ang pinakamalaking laro para kay Paul Gonzalgo.

 Isang game-winning three-point shot ang isinalpak ni Gonzalgo sa huling 1.6 segundo upang tulungan ang Adamson University sa 66-64 paggitla sa paboritong University of the East sa first round ng 71st UAAP men’s basketball tournament kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.

 Ang nasabing kabayanihan ng 6-foot-2 na si Gonzalgo, anak ni dating Ginebra player Dante Gonzalgo, ang nagtabla sa Falcons at Warriors sa magkatulad nilang 2-2 baraha sa ilalim ng Ateneo Blue Eagles 4-0), nagdedepensang La Salle Green Archers (3-1),  Far Eastern University Tamaraws (1-1), University of the East Red Warriors (2-2), University of Sto. Tomas Growling Tigers (1-2) at kasunod ang University of the Philippines Fighting Maroons (1-3) at National University Bulldogs (0-4).

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Taft-based cagers ni coach Leo Austria matapos simulan ang torneo sa 0-2.

Naglista ang Adamson ng isang 15-point lead, 48-33, sa first half bago nakabangon ang UE, tumipa ng 14-0 sweep sa eliminasyon noong 2007 bago winalis ng La Salle sa kanilang championship series, sa pagtatabla sa 60-60 mula sa isang 17-8 atake nina Elmer Espiritu, Marcy Arellano, James Martinez at Parri Llagas sa huling 2:06 ng fourth quarter.

 Isang basket ni Jan Colina, nagtala ng career-high 15 puntos, 11 rebounds at 3 shotblocks, at split ni Gonzalgo ang muling naglayo sa Falcons sa 63-60 sa 1:45 nito kasunod ang apat na sunod na freethrows nina Hans Thiele at Espiritu para sa 64-63 abante ng Red Warriors, 23.9 segundo rito.

Sa ikalawang laro, umiskor maman si Benedict Fernandez ng career-high 24 puntos, tampok ang 5-of-5 shooting sa 3-point range, para igiya ang FEU sa 70-65 panalo kontra UST.  (RC)

ADAMSON UNIVERSITY

BENEDICT FERNANDEZ

BLUE EAGLES

DANTE GONZALGO

ELMER ESPIRITU

GONZALGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with