^

PSN Palaro

Bagong import ipaparada ng Coca-Cola Tigers

-

Isang import na may 39-inch vertical leap ang ipaparada ng mga Tigers para sa kanilang kampanya sa quarterfinal round ng 2008 PBA Fiesta Conference sa Linggo.

 Hinugot ng Coca-Cola si 6-foot-2 Brandon Dean, produkto ng Arkansas, bilang kapalit ni 5’9 Donald Copeland na napuwersang umuwi sa United States bunga ng isang mahalagang custody case.

 “He’s alright,” sambit ni head coach Binky Favis kay Dean, ang ikatlong katambal ni 6’10 Jason Dixon matapos sina George “Gee” Gervin, Jr. at Copeland.

 Kinilala si Dean bilang Most Valuable Player (MVP) sa nakaraang playoffs ng Continental Basketball Association (CBA) matapos igiya ang Oklahoma Cavalry sa kampeonato kontra sa karibal na Minot Skyrockets noong Marso.

 Bago umuwi sa US noong Hulyo 2, humakot muna si Copeland ng game-high 32 puntos upang ibigay sa Tigers ang malaking 89-80 tagumpay laban sa Sta. Lucia Realtors para makuha ang ikatlong outright quarterfinals seat. 

Tinapos ng Coke ang kanilang kampanya sa elimination round sa bisa ng 10-8 rekord at makakasagupa ang Magnolia sa best-of-three quarterfinals series bukas.

 Naging katropa ni Dean, naging miyembro ng Harlem Globetrotters noong 2002 hanggang 2004, sa koponan ng Cavalry si 6’10 Shawn Daniels na dating reinforcement ng Air21. 

Ang Express at ang Red Bull Barakos ang nakasikwat ng dalawang outright semifinals ticket mula sa kanilang 12-6 at 11-7 kartada.

Samantala, habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Sta. Lucia Realty at Talk N Text para sa ikaapat at huling quarter-finals berth.

Ang magwawagi sa laban na ito ang siyang haharap sa naghihintay ng Barangay Ginebra sa best-of-three quarterfinal series na magsisimula sa Linggo. (RCadayona)

BARANGAY GINEBRA

BINKY FAVIS

BRANDON DEAN

CONTINENTAL BASKETBALL ASSOCIATION

COPELAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with