Gold, silver kina King, Miranda sa all-events

HONG KONG--Mu­ling nagpamalas ang be­teranong si Chester King ng maningning na perfor­mance at ang kanyang team­mate na si Raoul Mi­randa upang ibigay sa  Phi­lippines ang gold-sil­ver finish sa men’s all-events competition nitong Miyerkules sa 20th Asian tenpin bowling cham­pion­ships dito.

Nagdagdag pa si King ng three-game series na 648 pins para sa kanyang Asian 3-game record na 813 na humigit sa 24-ga­me total na 5534 (230.58 average) mula sa kan­yang singles, doubles, trios at team outings, ha­bang si Miranda, na na­ka­tiyak na ng singles bron­ze medals ay nag­ta­la ng 5444 (226.83) na si­yang pumigil sa United Arab Emirate’s na si Hus­sain Al-Suwaidi, na na­kuntento lamang sa bron­ze sa kanyang 5366 (223.58).

Ang unang matikas na paghagis ni King ang siyang nagbigay dito ng unang individual gold ma­tapos na makipagpare­ha kina Miranda at Frede­rick Ong at nakuha ng mga Filipinos ang kani­lang unang gold medal sa mahigpitang isang ling­gong kegfest na ito.

Bumagsak naman sina King, Miranda, Ong (5109), Tyrone Ong­pau­co  (4941) at Vlad Tuazon (4878) sa ikaanim na pu­westo sa five-player team event tampok ang six-ga­me series na 6364 pins na kanilang pinagulong.

Show comments