Tuloy na si Pacquiao sa Beijing Olympics
Tuluyan nang inaprubahan kahapon ng Olympic Organizing Committee ng China ang akreditasyon ni Filipino world four-division champion Manny Pacquiao para sa 2008 Beijing Games.
Sinabi ni Moying Martelino, Secretariat head ng Team
Matatandaang itinalaga ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si Pacquiao, ang bagong World Boxing Council (WBC) lightweight champion, bilang ‘flag bearer’ ng Team Philippines para sa 2008 Beijing Games matapos dumalaw sa Malacañang noong Biyernes para sa isang courtesy call.
Nauna nang inihayag ng Philippine Olympic Committee (POC) na si national swimmer Miguel Molina ang tatayong ‘flag bearer’ ng national contingent.
Matapos namang malaman ang desisyon ni Presidente Arroyo, kaagad na nagpaubaya ang 22-anyos na si Molina, tinanghal na Best Athlete ng 24th Southeast Asian Games sa
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na hindi kasama sa RP delegation ang magiging ‘flag bearer’ ng Team Philippines sa Olympic Games.
Sa pagbibigay ng organizing committee ng accreditation sa tubong General Santos City, inaasahang makakasabay ni Pacquiao sa parada sina world boxing great Roberto Duran ng Panama, NBA stars Yao Ming ng China at Manu Ginobili ng Argentina at tennis star Maria Sharapova ng Russia.
“When Manny Pacquiao marches he will carry the cheer of the whole country,” wika ni Bacolod Rep. Monico Puentevella, ang 1st vice-president ng POC. “He will inspire our athletes to perform well.” (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending