Eagles ang naka-una
Nagdeliber si Chris Tiu para sa Ateneo tungo 79-73 panalo laban sa kanilang mahigpit na karibal na defending champion La Salle sa kapanapanabik na laro ng 71st UAAP men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum kahapon na binigyang kulay ng pagbisita ng Pambansang kamao na si Manny Pacquiao at ng NBA superstar na si Gilbert Arenas.
Humakot ng maraming puntos ang Eagles mula sa freethow lane mula sa kanilang 34-42 charities, sa pagbibida ni Tiu na may 17-of-19 freethrow shooting.
Hindi pa nagsisimula ang laro, nagdeliber na ng dalawang technical freethrows si Tiu mula kay
Nagdeliber din si Tiu ng dalawang freethrows sa natitirang 6.9 segundo upang ihatid sa komportableng kalamangan ang Ateneo na nakihanay sa 1-0 sa University of the East, Far Eastern University at University of the Philippines na nanalo sa pinapaborang National University Bulldogs, 86-72,sa pagbibida ni Martin Reyes na umiskor ng 21 puntos sa unang laro.
Apat na freethrows ni Tiu at isa ni Yuri Escueta ang naglayo sa Ateneo sa 79-73 abante 6.9 segundo na lang. (Mae Balbuena
- Latest
- Trending






















