^

PSN Palaro

Babawi ang Blazers

-

Tangka ng College of St. Benilde na makabangon sa nakaraang kabiguan para mabawi ang liderato sa pagpapatuloy ng 84th NCAA men’s basketball tournament sa Cuneta Astrodome.

Nasira ang malinis na 2-0 kartada ng Blazers matapos ang 75-88 pagkatalo kontra sa Colegio de San Juan de Letran noong Biyernes.

Naagaw ng Letran Knights ang liderato sa kanilang malinis na 2-0 record ngunit dahil pahinga sila ngayon, may pagkakataon ang St. Benilde na bawiin ng pamumuno matapos malaglag sa ikalawang puwesto.

Sasagupain ng Blazers ang kulelat na Jose Rizal University sa unang seniors game sa ganap na alas-2:00 ng hapon na susundan ng sagupaan ng Philippine Christian University at host Mapua Institute of Technology sa alas-4:00.

Muling sasandal si St. Benilde coach Gee Abanilla, kina Archie David, Jeff Morial, Garri Sevilla, Jacob Manlapaz at Angelo Montecastro upang makabawi sa nakaraang pagkatalo.

Wala pang panalo ang JRU Heavy Bombers kaya may dalang panganib sina Mark Cagoco, Maui Pradas, John Wilson at James Sena.

Sa ikalawang laro, hangad naman ng Mapua  na masundan ang kanilang 86-80 panalo sa San Sebastian  na nag-angat sa kanila sa 1-1 kartada kung saan katabla nila ang University of Perpetual Help Dalta System sa likod ng nagdedepensang San Beda College na may 1-0 record.

Sa kaisa-isang juniors’ game, magsasagupa naman ang JRU Light Bombers at ang CSB-La Salle Greenies sa ganap na alas-11:30 ng umaga. (MBALBUENA)

ANGELO MONTECASTRO

ARCHIE DAVID

COLLEGE OF ST. BENILDE

CUNETA ASTRODOME

GARRI SEVILLA

GEE ABANILLA

ST. BENILDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with