^

PSN Palaro

Kabiguan, balewala kay Diaz?

- Abac Cordero -

LAS VEGAS — Inubos niya ang araw sa loob ng tahimik niyang suite at paminsan-minsan naman ay lumulublob sa higanteng pool at nilalasap ang mainit na araw matapos ang brutal at madugong kabiguan sa Mandalay Bay.

Si David Diaz, na  naagawan ng World Boxing Council lightweight crown matapos pabagsakin ni Manny Pacquiao sa ika-9th round noong Linggo, ay nakangiting tinanggap ang kabiguan,

“Yes, he’s in good spirits. He’s okay,” anang kanyang publicist na si Bernie Barhmasel, na nagpa-pahinga  matapos ang kanyang laban. Sinabi rin nito na ilang oras din itong nagbabad sa pool dahil sa pag-akyat ng temperatura.

Si Diaz, na ayon kay Barhmasel, ay dinala sa Valley Hospital pagkatapos ng post-fight press conference sa Events Centre kung saan sinagot niya ang ilang katanungan tugkol sa laban.

May malalim na sugat si Diaz sa itaas ng kanang mata at nangailangan ng anim na tahi para isara ito. May sugat din ito sa may ilong ngunit hindi na tinahi at namamagang mata na bunga ng malakas na right hook ni Pacquiao.

Nag-ubos din ng oras dito sa Sin City si Diaz kasama ang asawang si Tanya at magbabalik sa Chicago sa Lunes para makasama ang dalawang anak at magpahinga at magsaya sa loob ng ilang buwan.

Sa kanyang paglabas sa lugar na pinagdausan ng laban, nagkasalubong sina Diaz at Pacquiao. Nag-usap at nagyakapan na senyales ng isang tunay na ‘sportmanship’.

Puro papuri sa lakas at bilis ang sinabi ni Diaz kay Pacquiao.

“I thought I could handle his speed but not his power. I’ve faced quicker opponents. But he was so fast, fast, fast. I thought Freddie Roach (Pacquiao’s trainer) was also in there hitting me,” ani Diaz.

Bagamat talunan ito, wala pa rin sa isip ang pagreretiro.

“Today I lose, tomorrow I win,” anang dating former champion. “We just live to fight another day.”

vuukle comment

BERNIE BARHMASEL

DIAZ

EVENTS CENTRE

FREDDIE ROACH

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with