Isang masaklap na foul ang itinawag kay import Randy Holcomb sa natitirang 0.3 segundo ang nagpaguho sa tsansa ng mga Aces na makahirit ng playoff para sa isa sa dalawang outright semifinals berth.
Ang nasabing krusyal na foul ni Holcomb ang nagresulta sa split ni Mike Cortez na tumulong sa Beverage Masters sa pagtakas ng isang 80-79 tagumpay sa second round ng 2008 PBA Fiesta Conference kahapon sa Araneta Coliseum.
Bunga ng kabiguan ng Alaska, awtomatiko nang na-pasakamay ng Air21 ang una sa dalawang outright semis ticket, habang nagkaroon naman ng tsansa ang Magnolia sakaling matalo ang Red Bull Barakos sa isa sa kanilang natitirang dalawang laro.
“Hopefully, there could be a miracle,” ani coach Siot Tanquingcen sa kanyang Beverage Masters. “Ten wins is enough for us for a playoff for an outright semifinals or if not, a slot at a quarterfinals.”
Kasalukuyang dala ng Air21 ang 11-6 rekord kasunod ang Red Bull Barakos (10-6), Magnolia (10-8), Coca-Cola (9-8), Alaska (9-8), Talk ‘N Text (8-8), Ginebra (7-8), Purefoods (8-9), Sta. Lucia (7-9), at sibak nang Welcoat (4-13).
Naglalaro pa ang Gin Kings, nasa isang three-game winning streak na nagpalakas sa kanilang pag-asa para sa isa sa tatlong outright quarterfinals seat, at ang Phone Pals habang isinusulat ito.
Matapos ang split ni Dondon Hontiveros na naglagay sa Beverage Masters sa 79-77 sa huling 37 segundo sa final canto, isang acrobatic reverse layup ni Holcomb ang nagtabla sa Aces sa 79-79 sa nalalabing 11.8 tikada.
Ang drive ni Cortez, kumolekta ng 18 puntos, galing sa 6-of-8 fieldgoals at 5-for-6 freethrow shooting, ang nakahugot ng foul kay Holcomb sa huling 0.3 segundo para sa isa sa dalawang charities nito.
Umiskor ang nagbabalik na si two-time Most Valuable Player Willie Miller ng 9 puntos para sa kanyang pagbabalik sa Alaska matapos magkaroon ng ‘chicken pox’ sa ilalim ng 19 ni Tony Dela Cruz at tig-15 nina Holcomb at LA Tenorio. (Russell Cadayona)