Pacquiao kailangan pa ng konting ensayo sa bilis
LOS ANGELES--Kailangan pa ng konting oras ni Manny Pacquiao para sa kanyang bilis.
Ito ang sinabi ng kanyang trainer na si Freddie Roach noong Huwebes ng hapon sa Wild Card Gym kung saan nagdaos ng dalawang oras na workout si Pacquiao kabilang na ang 8 rounds ng sparring sa tatlong iba't-ibang boksingero.
“His speed is not all there yet. But as he loses weight he’ll get better,” wika ni Roach, na hindi nasiyahan sa bilis ni Pacquiao na ipinakita sa mga manonood sa kabila ng isang closed door ang kanyang pagsasanay.
“I think he’s looking for the power a little bit,” dagdag ni Roach na pinanonood si Pacquiao na nakikipag-ispar ng dalawang round kay Julio Gamboa at three rounds kina Carlos Tangaro at Steve Quinones.
Wala si Roach noong isang araw dahil may sakit ito kaya ngayon siya naman ang nagbantay sa ensayo ni Pacquiao.
“I feel a lot better. Manny had a little cold (last week) and I was working so close so he gave it to me. When people who are sick would come to the gym I used to throw them out so I threw myself out the other day.
“I didn’t even come to his workout. Yesterday I was with Speedy Gonzales (his boxer) in
Trinabaho ni Pacquiao ang kanyang kanan, gamit ang double-jab-hook combination na minsan ay tumatama sa ulo ni Gamboa. Sinubukan din niya ang bihirang gamitin na hook-uppercut combination laban sa ka-ispar.
- Latest
- Trending