Ipapakita nina Francisco ‘Django’ Bustamante at Dennis Orcollo kung bakit sila ay kasama sa mga nasa tuktok ng world rankings sa pagsabak sa Elite Professional division ng First Senate President Manny Villar Cup Cebu Leg na magsisimula sa Biyernes sa Trade Hall ng SM City sa Cebu.
Gagamitin din nila ang tournament na ito na hatid ng Villards: Tulong sa Pagsulong ng Philippine Sports, sa pakiki-pagtulungan ng Billiards Managers and Players Association of the Philippines (BMPAP) at sponsored ng Camella Communities, na hagdan sa kani-lang kampanyang maging world champion.
“That’s my ultimate goal – to become a world champion,” ani Bustamante na ang pinaka-mataas na naabot ay ang runner-up finish kay American Earl Strickland sa World Pool Championship noong 2002.
“But I know that to do that, you have to build some sort of a momentum and that includes winning tournaments like this Villar Cup,” dagdag ng 43-gu-lang na Tarlac native. “So I will make the most out of this, and hopefully I would win it.”
Sasabak si Bustamante sa Villar Cup sa unang pagkaka-taon matapos di makasali sa first leg noong nakaraang bu-wan dahil nakibahagi ito sa World Pool Masters sa Las Vegas.
Nais din ni Orcollo, ang current world no.1, na maka-tikim ng world title. “I will use this Villar Cup as a stepping stone in achieving my dream,” sabi ng 29-gulang na stalwart ng star-studded Bugsy Promotions ni businessman Perry Mariano, na kilalang Money Game King.
Pinangatawanan ni Orcollo ang kanyang paghahari sa money game nang kanyang talunin si four-time Guinness Tour leg winner Chang Jung-lin ng Taiwan, 13-5 sa challenge match para $2,500 premyo.