Naniniwala si World Boxing Council president Don Jose Sulaiman na ang kalalabasan ng laban sa pagitan nina Manny Pacquiao at lightweight titlist David Diaz ay isang “flip fo the coin’?
Ayon sa WBC president, na uupo sa special ringside sa bakbakan ng dalawang world champion ng magkaibang weight division, na pinagbabasehan ng kanyang salita sa pag-alala sa naging laban ni Gabriel ‘Flash’ Elorde at Carlos Ortiz nong 1965, kung saan aakyat si Pacquiao sa mas mataas na timbang mula 130 patungong 135 para lamang labanan si Diaz.
Ayon kay Sulaiman, kapag ang isang boxer ay umakyat ng division, ang pagsuntok nito ay bumababa naman, at hinalintulad si Erik Morales bilang magandang ehemplo.
Ayon sa kanya bilang superbantamweight si Morales ang hari pero nang umakyat na ito ng division wala na ang dati niyang suntok.
Gayunpaman, idniin ni Sulaiman na iba si Pacquiao dahil may puso ito ng isang ‘winner’ at puso ng isang leon. At ayaw niyang mag-bigay ng prediksiyon, pero sinabi rin ni Sulaiman na kai-langang nasa pinakama-gandang porma si Diaz sa kanyang pag-akyat sa ring kontra kay Pacquiao.