May mas magandang alaala na ngayon si Roberto ‘Bert’ Somodio kumpara sa lumang mga newspaper clippings ng mga naglabasang balita ukol sa kanyang makulay na boxing career kung saan tinagurian siyang ‘Nursery Kid.’
Ipinagmamalaki din ni Somodio ang ilang sepia photos kung saan kalaban niya si Gabriel “Flash” Elorde na tumalo sa kanya noong 1959.
Minsang napabagsak ni Somodio sa canvass si Elorde sa fifth round na ang 74 gulang na boxer lamang ang nakagawa sa kilalang ‘The Flash.’
Ang laban ay highlight event ng fifth Fiesta Fistiana na inorganisa ng Philippine Sportswriters Association (PSA), kung saan ito muling magiging panauhin si Somodio sa ikatlong pagkakataon bilang pagsuporta sa event na lumilikom ng pondo para sa mga matatanda nang boxers.
Dahil sa katandaan, may tungkod na si Somodio at halos bulag na dahil sa kanyang artificial na mata sa kaliwa ngunit pumunta ito sa Rizal Memorial Sports Complex, kung saan naganap ang kanyang mga tagumpay at kabiguan sa kanyang kasikatan, para tanggapin ang mini-grocery package mula sa PSA kamakailan lamang.
Si Somodio ang napili ng Games and Amusements Board sa ilalim ni Chairman Eric Buhain, bilang recipient ng mini-grocery package na inihanda ng PSA, sa tulong ng San Miguel Corp. (SMC) na bahagi ng kanilang pagsuporta sa Fiesta Fistiana noong April ng nakaraang taon.
Ang major beneficiary ng PSA, ay ang pamilya ng yumao nang si Lito Sisnorio, namatay matapos lumaban sa isang unsanc-tioned bout sa Thailand noong nakaraang taon kung saan ginamit nila ang natanggap na pera mula sa PSA na pambili ng maliit na bukid at kalabaw sa General Santos.