Solar Sports handa na
Masaya ang incoming television coveror ng Philippine Basketball Association na Solar Sports sa kanilag nakuhang three-year partnership na nagkakahalaga ng milyun-milyon bagamat mara-ming nagsasabi na na-wala na ang dating amor ng liga sa masa.
Ayon kay Solar Sports official Jude Turcuato, nananatili pa ring ang
“Des-pite the perception na bumagsak ang PBA, in terms of ratings, mas mataas pa rin ang PBA than any other sports in town, be it the NBA, the UAAP, NCAA and others.
“Even in ticket sales and attendance, PBA remains on top. And these are paying fans who are there to watch their favorite players and teams,” ani Turcuato na tinutukoy ang surveys at figures na ginawa ng dalawang independent media agencies ukol sa viability at popularity ng 34-year-old pro league.
Panauhin ang Solar Sports vice-president for sales marketing sa PSA Forum kahapon sa Sha-key’s U.N. Avenue branch, eksaktong isang linggo matapos maiselyo ng Solar Entertainment ang three year deal para ma-ging bagong television partner ng PBA.
Ang kontrata ay nag-kakahalaga ng P500 million at ito ay magsisimula sa annual PBA Rookie Draft na siyang magbubu-kas ng 2008-09 season.
Bilang kapalit ng ABC-5, ang TV coveror ng PBA sa huling limang taon, sinabi ni Turcuato na nais niyang ipagpatuloy ng Solar ang legacy ng station na pagmamay-ari ni Tony Boy Cojuangco.
“We want to build on the same ABC 5 coverage,” ani Turcuato sa session na sponsored ng Shakey’s, PAGCOR, Accel, Brickroad gym and Aspen Spa at MedCentral Medical Clinics and Diagnostic Center.
- Latest
- Trending