^

PSN Palaro

Lipa, Airforce, Zamboanga nangunguna

-

LIPA CITY — Nagbabadya ang three-way battle para sa supremidad sa men’s division matapos ang Day 4 ng National Open Softball Championships nang  manatiling walang talo ang Lipa City, Air Force at Zamboanga City kahapon sa elimination round na nilaro sa tatlong venues dito.

Na-sweep ng Lipenos, ang kanilang doubleheader para sa ikalimang sunod na panalo para sa pangunguna sa Group A at sa two-group men’s play.

Ginamit ng mga bata ni Mayor Oscar Gozos ang kanilang hitting power sa pagdimolisa sa Marikina City, 7-4 sa Barangay Banay-Banay at sa Bulacan State Univesity, 4-1, sa Barangay Marauoy.

Sa Group B hostilities, itinala naman ng Airmen at ng Zamboanguenos ang tatlong sunod na panalo.

Minasaker ng Airmen  ang Laguna-Paciano sa 8-l regulation five-inning contest, habang dinurog naman ng Zamboanguenos ang Lipa-TCIG sa 7-1 panalo.

Sa women’s division,  nakahabol ang Rizal Province sa Group B leader na Adamson-Lipa sa taas ng standing sa kanilang regulated four-inning match,19-0 sa Prime Pick ng Baguio City.

Ang isa pang Adamson team na Adamson Manila,  ay nangailangan ng limang frames para igupo ang Polytechnic University of the Philippines, 9-0,  upang makisalo sa iderato sa Group A sa RTU Lady sluggers, sa kanilang paehong 2-0 panalo-talo.

ADAMSON MANILA

AIR FORCE

BAGUIO CITY

BARANGAY BANAY-BANAY

BARANGAY MARAUOY

BULACAN STATE UNIVESITY

GROUP A

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with