7 golds sa QC shooters
Nagsubi ang mga promising shooters ng Quezon City ng pitong gold medals upang maungusan ang Tagaytay team sa team crown ng 1st Art Macapagal National Youth Shooting Championships sa NSA range sa Marine headquarters sa Fort Bonifacio Taguig.
Kinana ni Jebert Palma, anak ni National Youth Development Program (NYPD) vice/operations Tito Palma ang unang gold ng QC sa air piston (bench rest) ngunit ang atensiyon ay napunta kay Dianne Nicole Eufemio na may dalawang ginto sa air pistol kabilang ang open category na siyang naging susi sa pagkopo ng titulo ng QC squad ni national shooter Mei Concepcion at talunin ang Tagaytay na may anim na gold.
Ang isa pang anak ni Palma na si Jason, ay nagsubi din ng gold matapos talunin si Migi Jayme, 380.4-318.4 sa air rifle event sa torneong suportado ng Thermax, Pagcor at Spring Cooking Oil.
Ang iba pang naghatid ng gold sa QC ay ang air pistol team nina Simon Karl Gonzales, Mark Edward Amon at Bilymar Egido; Gonzales sa air pistol open category; air rifle team nina Sammy Mohamed, Jenrei Rodriguez at Jason Palma; air rifle bench rest team nina Michael Nanquil, Jynoel Seva at Alejandro Guimayen; Jason Valdez sa air rifle bench rest singles at Santino Hermoso sa air rifle open category.
- Latest
- Trending