May pag-asa pa ang Pinas sa basketball

Sa pagtanggap sa malungkot na realidad ma hindi makasabay ang Pinas sa basketball sa world level, inilatag ni Sporteum Philippines Inc. president Wilfredo Ortiz  ang ‘six-feet-and-under’ tourney na inaasahan niyang maging regular na international event sa hinaharap.

Inaayos ngayon ng Sporteum Philippines Inc., gumagawa ng Accel shoes and apparel, ang blueprint ng proyekto na sisimulan sa isang local tournament na susundan ng invitational tournament sa pagitan ng  Philippines at mga kalapit na bansa sa Southeast Asia.

“The reality is we can’t rule the world in open basketball. If boxing and other combat sports have different weight categories, why not a six-feet-and-under level in basketball? Maybe, we can be competitive worldwide in this event,” ani Ortiz.

Matagal nang sumusuporta si Ortiz at ang kanyang kumpanya sa Philippine basketball. Mayroon ding three-point shooting competition ang Accel para sa mga Filipino players para ma-improve ang outside shooting.

“We could be more hopeful with this six-feet-and-under tourney,” ani Ortiz. Ang Accel ay isa sa mga affiliate members ng Samahang Basketbol ng Pilipinas kasama ang Tao Corp., PLDT-Smart, Nike, Harbour Centre, Cebuana Lhuillier, San Miguel Corp., Molten, Petron, Victory Liner, Champion at Discovery-Primea.

Ang Accel ang magiging official outfitter ng Philippine team para sa nalalapit na Olympics sa Beijing, China.

Show comments