^

PSN Palaro

Adamson nauna na

-

Nilimitahan ng Adam-son na nakaasa sa impresibong peformance ni  Neriza Bautista, ang Ateneo at ang Thai import na si Emorn Phanusit, 25-7, 25-14, 23-25, 25-22, upang makauna sa kanilang best of three series para sa Shakey‘s V-League Season 5 crown sa The Arena kahapon.

Muling ipinamalas ni Bautista ang kanyang mahusay na spiking power nang sirain nito ang net defense ng Ateneo sa kanyang 30 hits, habang nagdagdag naman si Rissa Laguilles ng 16 attacks para sa Lady Falcons, na nagpakita ng kanilang dominasyon kontra sa Eagles upang makalapit sa titulo.

Sa pananalasa nina Bautista at Laguilles, nanalasa din sa depensa ang Falcons sa tulong nina Angela Benting at Jill Gustillo upang limitahan si Phanusit sa pitong puntos lamang matapos magpakawala ng 25 points sa kanilang semis duel noong May 20.

“Actually, I’m not really feeling well but I still gave my all because we believe we can beat them,” wika ng 22-gulang na si Bau-tista na lumaro kahit na masakit ang tiyan.

Hangad ng Falcons, runners-up sa FEU Tams sa UAAP tilt at nanalo sa Eagles ng apat na beses sa season na ito, ang titulo sa Biyernes sa Game-Two sa The Arena pa rin.

Samantala, matapos maunsiyami sa kanilang kampanya sa titulo, pinag-balingan ng San Sebas-tian ng kanilang galit ang Lyceum sa pamamagitan ng 25-17, 27-25, 25-23 victory para kunin ang 1-0 lead sa kanilang best-of-three series para sa konsolasyong third place.

Samantala, ihahayag ng liga na hatid ng Shakey’s Pizza at inorganisa ng Sports Vision ang parangal sa  top players ng season kabilang ang MVP, best scorer, attacker, blocker at most improved player sa Biyernes.

Gaganapin ang sim-pleng awards ceremonies pagkatapos ng first game bago simulan ang laban ng Ateneo at Adamson.

Mataas ang morale ng Falcons, nanalo sa San Sebastian Lady Stags sa semis, papasok sa larong ito at pinangunahan ni Bautista ang pag-atake ng team sa unang dalawang set.

Dahil hirap si Phanusit, sinikap nina Ma. Rosario Soriano at Misha Quimpo na ibangon ang Eagles sa third set upang makuha ito matapos ang ilang sunod na errors ng Falcons kaya humaba ang laban.

Sinustinihan ng Eagles ang kanilang magandang laro upang kunin ang 16-10 kalamangan matapos ang ikalawang technical time-out. Ngunit nakuha ng Falcons ang 11 sa sumunod na 15 points upang kunin ang kalamangan tungo sa tagumpay.

ANGELA BENTING

ATENEO

BAUTISTA

BIYERNES

EMORN PHANUSIT

JILL GUSTILLO

KANILANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with