^

PSN Palaro

Wild Card gym isasara sa mga nag-uusyoso

-

Simula ngayong araw ay ipatutupad na ni American trainer Freddie Roach ang pagsasara ng kanyang Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California sa mga usyosero.

Ito ang inihayag kahapon ni chief security Rob Peters mula sa direktiba ng 48-anyos na si Roach para sa maigting na pre-parasyon ni Filipino boxing superstar Manny Pac-quiao kaugnay sa paghahamon kay Mexican-American world lightweight champion David Diaz.

“Ladies and Gentlemen: We appreciate your keen interest in watching Manny Pacquiao train today. Please enjoy it because effective Monday, from 1:00 to 3:00 PM, the Wildcard Gym will be closed to the public including friends and acquaintance of the champion,” ani Peters sa mga taong sumusubaybay sa pagsa-sanay ng 29-anyos na si Pacquiao sa Wild Card gym.

Sa kautusan ni Roach, walang dapat kilalanin si Peters hinggil sa mga taong papasok sa kanyang gym para pano-orin ang ginagawang training ng 29-anyos na si Pacquiao, ang bagong World Boxing Council (WBC) super featherweight titlist.

“We do not care if you are at the Palazzo visiting everyday. Beginning Monday if you do not have a specific role in the training, you will be asked to leave if you come to watch the training. Please do not make us ask you to leave. If you do not have a role, please do not come. Please note that no flash photography will be allowed today while Manny is sparring. Video photography of any kind is strictly prohibited. Thank you,” ani Peters.

Kabilang sa mga naka-sparring ni Pacquiao kahapon ay sina Carlos Tangaro, isang Filipino-Puerto Rican fighter na ipinanganak at lumaki sa Hawaii,  si Mexican slugger Steve Quiniones at si Scottish warrior Gary McMillen. 

Kumpara sa sinabi ni Roach na gagawa sila ng adjustment sa kanilang paghahamon kay Diaz, sinabi naman ng kasalukuyang WBC lightweight ruler na wala siyang babaguhin sa kanyang boxing style.

“It’s my style of boxing. It has worked for me before. So why I’m gonna change it. Why I’m gonna try something out that I know I am not,” wika ng 31-anyos na si Diaz. “The way I fight before is the way I’m gonna fight Manny Pacquiao.”

Nakatakda ang world lightweight championship fight nina Pacquiao at Diaz sa Hunyo 28 (US time) sa Mandalay Bay Resort & Casino sa Las Vegas, Nevada. (RCadayona)

vuukle comment

BEGINNING MONDAY

CARLOS TANGARO

DAVID DIAZ

DIAZ

FILIPINO-PUERTO RICAN

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with