^

PSN Palaro

Mainit na bakbakan para sa finals

-

Painit nang painit ang labanan para sa championship berth ng Shakey’s V League Season 5 makaraang magtabla kung saan tangka ng Ateneo at Lyceum ang unang slot at ang ikalawa naman ay asam ng San Sebastian at Adamson sa The Arena sa San Juan.

Sinorpresa ng Lady Pirates ang AdU tossers sa apat na sets, 25-23, 25-22, 18-25, 25-22, habang ginapi naman ng Lady Eagles ang SSC-R spikers sa five setter, 14-25, 25-19, 22-25, 25-22, 15-13, noong Biyernes at magpuwersa ng four-way tie na naglagay sa final semis playdate sa pares ng sudden-death.

Tangka ng Ateneo ang unang final seat kontra sa Lyceum sa alas-12 ng tanghali sa inaasahang dudumuging laban ngayong Linggo. Inaasahang uulitin ng Lady Eagles ang kanilang dominasyon sa kalaban na dalawang beses nilang tinalo sa elims at ma-sweep sa quarterfinal.

Samantala, inaasahan naman ang mainit na bakbakan sa pagitan ng SSC-R at Adamson sa ganap na alas-2 ng hapon kung saan naghati ang dalawang koponan sa kanilang unang pagtatagpo sa double round elims bago ang mahabang bakasyon bunga ng pagsungkit nila sa awtomatikong semis berth.

Ang magwawagi ngayon ang maghaharap para sa korona sa best-of-three series simula sa Martes sa torneong hatid ng Shakey’s Pizza at inorganisa ng Sports Vision at suportado din ng Active White skin whitening products, Mail and More, ICT Call Center, 100Plus Energy Drink, Mikasa at Accel.

vuukle comment

ACTIVE WHITE

ADAMSON

ATENEO

CALL CENTER

LADY EAGLES

LADY PIRATES

MAIL AND MORE

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with