Banal lalaban vs Concepcion para sa WBA title
Ito na ang pinakahihintay na pagkakataon ng 18-anyos na si super flyweight sensation AJ “Bazooka” Banal.
Nakatakdang sagupain ni Banal ang 25-anyos na si Rafael “El Torito” Concepcion ng Panama para sa bakanteng World Boxing Association (WBA) super flyweight title sa Hunyo 21 sa Cebu City.
Ang nasabing WBA belt ay iniwanan ni Alexander Munoz ng Venezuela, natalo kay Christian Mijares ng Mexico via split decision para pag-isahin ang WBA at World Boxing Council (WBC) super flyweight belts kamakailan.
Mariing kinondena ng WBA ang paraan ng pagpili ng WBC ng mga opisyales na namahala sa naturang Munoz-Mijares unification fight na nagresulta sa pagbabakante sa WBA super flyweight class.
Tangan ni Banal ang 17-0-1 win-loss-draw ring record kasama ang 14
Nanggaling si Banal sa isang fourth-round TKO kay Caril Herrera ng Uruguay, No. 2 sa listahan ng World Boxing Council (WBC), noong Abril 6 sa Araneta Coliseum, habang umiskor naman si Concepcion ng isang third round TKO kay Jean Piero Perez noong Marso 27.
Samantala, handang-handa na si Filipino world super flyweight contender Z “The Dream” Gorres para sa kanyang pagdedepensa sa suot na International Boxing Federation (IBF) International crown kay Nick “Kanyankole” Otieno ng Kenya sa Mayo 31 sa Cebu City.
“Ready na ako,” wika ng 26-anyos na si Gorres. “Talagang pinaghahandaan kong mabuti itong laban na ito dahil ito na ang magiging stepping stone ko for another world title shot.” (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending