^

PSN Palaro

Bagong Fil-Am fighter sa kanyang unang professional fight

-

Isang Fil-Am super middleweight fighter ang nakatakdang makita sa kanyang kauna-unahang professional fight sa Mayo 23 sa Quiet Canon sa Montebello, California.

Makikipagsabayan si Ian Mauleon, naglista ng 49-7 win-loss ring record bilang isang amateur boxer at lumaki sa Oakland, California, kay Thomas Rittenbaugh, nagbabandera ng 2-2-2 win-loss-draw card.

Sa kanyang huling laban bilang isang amateur fighter, natalo si Mauleon sa US Olympic Trials sa Salt Lake City, Utah noong Mayo ng 2007.

Sa pagpapalaki sa kanya ng mga magulang na sina Mario at Erlinda sa magulong lugar sa Oakland, California, napatay ang kuya ni Mauleon sa isang drive-by shooting sa edad na 16-anyos, habang ang isa naman ay labas-masok sa kulungan.    

“We were all raised with a competitive nature, that is why in everything I do, I always want to win,” wika ni Mauleon. “And with boxing, you don’t have teammates to rely on, so everything comes from yourself.”

Samantala, umiskor naman si dating world light flyweight champion Brian Viloria ng isang third round TKO (Technical Knockout) kay Fred Herberto Valdez at isang unanimous decision ang kinuha ni super feattherweight sensation Michael Farenas kay Fermin Delos Santos sa kanilang six-round bout kahapon sa Plaza Monumental sa Aguascalientes, Mexico.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ni Viloria, dating humawak sa World Boxing Council (WBC) light flyweight belt, matapos matalo kay Edgar Sosa via majority draw para sa bakanteng titulo noong Abril 14 ng 2007.

Ang nasabing tagumpay ng 27-anyos na tinaguriang “The Hawaiian Punch” ang nag-angat sa kanyang win-loss-draw ring record sa 22-2-1 kasama ang 13 KOs. (Russell Cadayona)

BRIAN VILORIA

EDGAR SOSA

FERMIN DELOS SANTOS

FRED HERBERTO VALDEZ

MAULEON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with