Pacquiao dadayo sa balwarte ni Diaz
Matapos ang kanilang paghaharap sa isang press conference sa
Isang media round table luncheon ang nakatakdang daluhan nina Pacquiao at Diaz sa Lalo’s Restaurant bago ang kanilang public pep rally sa Federal Plaza, ayon kay Bernie Bahrmasel ng Double B. Publicity, Inc.
Ito ang kauna-unahang pagbisita ng 29-anyos na si Pacquiao, ang bagong World Boxing Council (WBC) super featherweight titlist, sa Chicago na siyang kinalakihan naman ng 31-anyos na si Diaz.
Bago pa man ang pagdayo ni Pacquiao, sinimulan na ni Diaz, itataya ang kanyang suot na WBC lightweight belt sa ikalawang pagkakataon, ang paghahakot ng suporta sa kanyang ginawang pagbisita sa Texas, Phoenix, California at New Jersey.
“I think we’re going to give a great and exciting fight for the public. This is what the fight is all about, to make the public happy and the fans happy,” wika ni Diaz sa isang panayam.
Si Diaz, miyembro ng U.S. Team na sumabak sa 1996 Olympic Games sa Atlanta, Georgia, ay lumaki sa Humboldt Park area sa Chicago.
Nakatakda namang umpisahan nina Pacquiao at American trainer Freddie Roach ang sparring session kina lightweights Freddie Norwood, dating tumalo kay Mexican Juan Manuel Marquez sa featherweight class, at Victor Ortiz sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California.
“We’ll do four rounds with Norwood first on Tuesday then another sparring partner - a fast-rising lightweight named Victor Ortiz -- will come in later in the camp,”ani Roach. ( RCadayona)
- Latest
- Trending