^

PSN Palaro

Ateneo sa semis; Pirates sa playoff

-

Humataw si Thai import Emorn Phanusit ng kanyang personal-best 27 hits upang makabangon ang Ateneo sa pagkatalo sa unang set at igupo ang Far Eastern U, 19-25, 25-15, 25-14, 25-22, kahapon at makopo ang ikatlong semifinal berth sa Shakey’s V-League Season 5 sa The Arena sa San Juan.

Isang krusyal na block ang ginawa ni Ma. Rosario Soriano kay Marigail Tolentino at pinakawalan naman ni Patricia Taganas ang kanyang ika 13th at final kill upang igupo ang Lady Tams, na nakalapit sa 22-23 sa dikdikang fourth set.

Ito ang ikaapat na panalo ng Ateneo sa single round quarters at sinamahan nila sa semis ang mga nauna nang Adamson at San Sebastian sa ligang ito na hatid ng Shakey’s Pizza at inorganisa ng Sports Vision.

Nauna rito, nahirapan naman ang Lyceum sa St. Benilde bago iposte ang 25-22, 25-19, 31-29 panalo para makasiguro ng playoff para sa huling semis slot sa torneong suportado din ng Active White skin whitening products, Mail and More, ICT Call Center, 100Plus Energy Drink, Mikasa at Accel.

vuukle comment

ACTIVE WHITE

ATENEO

CALL CENTER

EMORN PHANUSIT

FAR EASTERN U

LADY TAMS

MAIL AND MORE

MARIGAIL TOLENTINO

PATRICIA TAGANAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with