^

PSN Palaro

Gabica, Manalo, De Luna sa 3rd round

-

Lumaro si Antonio Gabica ng mas epektibo at walang kaba upang igupo si Silverio Tulabing, 9-4, para makausad sa third round ng $30,000 Philippine Pool Tour Mandaluyong Mayor’s Cup 10-ball championship na hatid ng San Miguel.

Si Gabica, kakaba-kaba sa 9-6 panalo laban kay Richard Rollo nitong Martes at isa sa apat na players  na magiging mahigpit na kalaban ni Marlon Manalo para sa $10,000 champion prize.

Natalo si Gabica, Southeast Asian Games gold medal winner sa lag at sa unang rack bago nanalo sa sumunod na apat na racks tungo sa 4-1 at kinuha nito ang huling apat na racks mula sa 5-4 kalamangan tungo sa taumpay.

Nagtagumpay din si Manalo at Jeffrey De Luna nitong Martes ng gabi sa Kaban ng Hiyas Auditorium.

Tinalo ni Manalo si Luis Saberdo upang sundan ang tagumpay ni De Luna kay Frenchman John Berille.

Nabaon  pa ang 2005 Reno Open champion na si Manalo sa 1-3 at 4-6 ngunit kinuha niya ang sumunod na limang frames tungo sa tagumpay.

Umusad din si dating world champion Hohmann matapos igupo si Benigno Lopez Deleon, 9-2, at samahan sina American Johnny Archer at Japanese  Satoshi Kabawata sa susunod na round.

AMERICAN JOHNNY ARCHER

ANTONIO GABICA

BENIGNO LOPEZ DELEON

DE LUNA

FRENCHMAN JOHN BERILLE

HIYAS AUDITORIUM

JEFFREY DE LUNA

LUIS SABERDO

MANALO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with