St. Benilde yuko sa Ateneo
Ginamitan ng Ateneo ang St. Benilde ng power game tungo sa kanilang 25-12, 25-9, 25-17 panalo na nagkaloob sa kanila ng pangkalahatang pamumuno sa quarterfinal round ng Shakey’s V-League Season 5 sa The Arena sa San Juan kahapon.
Bumandera si Thai import Emorn Phanusit sa kanyang 17 hits katulong si Ma. Carmina Acevedo na may 10 kills para sa 13-point para sa Lady Eagles na dumuplika ng kanilang straight-set victory laban sa Lyceum Pirates noong Linggo.
Tangan ng Ateneo ang 2-0 kartada sa single round quarterfinal phase sa anim na teams habang pumapangalawa naman ang Far Eastern University na umiskor ng panalo sa kanilang unang laro sa round na ito matapos hiyain ang Univ. of St. La Salle-Bacolod sa kanilang debut game sa pamamagitan ng 26-24, 25-27, 25-17, 25-13.
Sa ikalawang laro, diniskaril naman ng Lyceum ang University of San Jose-Recoletos ng Cebu na makisalo sa liderato sa pamamagitan ng 26-24, 25-27, 25-17, 25-13 tagumpay.
Tabla ngayon ang Lady Pirates at ang kanilang biktima sa 1-1 kartada sa ligang ito na itinaguyod ng Shakey’s Pizza at inorganisa ng Sports Vision.
Umiskor si Beverly Boto, ang No. 1 scorer ng liga ng 23 hits.
Bukod pa sa apat na blocks at isang service winner para sa kanyang 28 points para sa Lyceum.
- Latest
- Trending