Donaire magtatangka sa World light flyweight crown
Matapos sina Bert Bata-wang at Rodel Mayol, si Glenn “The Filipino Bomber” Donaire naman ang magpipilit na agawan ng world light flyweight crown si Mexican champion Ulises “Archie” Solis.
Sinabi kahapon ni Nonito Donaire, Sr., ang father/trainer ni world flyweight titlist Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. na araw-araw na ang ginagawang pagsasanay ng 28-anyos na si Glenn para sa kanyang paghahamon sa 26-anyos na si Solis.
“Pinaghahandaan talaga namin ni Glenn itong laban kay Ulises Solis kahit na after pa nu’ng laban niya kay Jose Albuquerque last February sa
Itataya ni Solis, nagbabandera ng 26-1-2 win-loss-draw ring card kasama ang 20 KOs, ang kanyang hawak na International Boxing Federation (IBF) light flyweight belt laban kay Glenn, nagdadala naman ng 17-3-1 (9 KOs) slate, sa Mayo 17 sa Aguas-calientes, Mexico.
Ang 25-anyos na si Nonito, Jr. ang siyang kasalukuyang gumagabay sa training ng kanyang kuyang si Glenn sa
“Talagang araw-araw ang sparring nila ni Jun-Jun (Nonito, Jr.). Sa bilis ni Jun-Jun, siguradong maibabalik ni Glenn ‘yung dati niyang fighting form,” sabi ni Nonito, Sr. kay Glenn, umiskor ng isang unanimous decision sa Brazilian fighter na si Albuquerque para sa kanyang unang laban matapos ang kanyang sixth-round technical decision loss kay Armenian Vic Darchinyan noong Oktubre ng 2006. (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending