^

PSN Palaro

RP Youth 5 nakasiguro ng korona  at tiket sa Asian Championship

- Joey Villar, Nelson Beltran -

KUALA LUMPUR — Siniguro ng Nokia RP Youth Team ang korona at tiket sa Asian championship sa pamamagitan 123-43 pananalasa sa Indonesia sa MABA gym dito.

Halos hindi kinakitaan ng laban ang laro nang agad umiskor ang RP juniors ng 10 puntos at umabante sa 65-25 sa first half upang maitala ang lopsided na panalo sa torneo.

Pinagpraktisan ng mga Pinoy ang Indons lalo na nang mawala ang Indon top gun na si Rocky Chentra na na-injured ang balikat.

Isang malaking panalo naman ito para sa RP juniors na inihandog ang kanilang panalo sa pangunahing benefactor nila na si Jun Sy ng Tao Corp na nagdiwang ng kanyang ika-45th kaarawan.

“It’s satisfying to achieve your goal. And somehow, we’ve also proven that we’re improving on defense,” ani team captain Frank Golla.

Matapos ang final buzzer, binigyan ng mga players ng on-court celebration si Sy nang awitan nila ito ng Happy birthday song kasabay ng paglaglag ng confetti. 

“It was a great birthday experience,” masayang wika ni Sy.

Nasiguro na rin ng Malaysia ang second place at slot sa Asian championship sa Tehran, Iran sa Setyembre habang binug-bog naman ng Thailand ang Singapore, 73-54 sa isa pang laro.

Nakatakda namang harapin ng Nokia-RP ang Singapore at Malaysia vs Indonesia sa anti-climatic final-day schedule.

vuukle comment

COUNTRY

FRANK GOLLA

JUN SY

NOKIA

PLACE

REGION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with