^

PSN Palaro

Sta. Lucia nanalasa

-

Tatlong araw na jogging sa Marikina Sports Complex sa kasagsagan ng All-Star break at pagbabalik sa kanilang pamatay na depensa.

Muling ipinakita ng mga Realtors ang kanilang pagiging top defensive team sa nakaraang torneo matapos blangkuhin sina imports Marquise Gainous at Corey Santee sa first period para paamuhin ang dating mabalasik na mga Dragons, 111-97, sa classification phase ng 2008 PBA Fiesta Conference kahapon sa Araneta Coliseum.

Pinigil ng Sta. Lucia ang kanilang dalawang sunod na kamalasan para maka-tabla ang Talk ‘N Text sa parehong 4-2 kartada sa ilalim ng Red Bull (5-2) at Coca-Cola (5-2) at kasunod ang Magnolia (4-3), Air21 (3-3), nagdedepensang Alaska (2-4), Purefoods (2-4), Welcoat (2-5) at Ginebra (1-5).

Kasalukuyan pang naglalaro ang Phone Pals at ang Aces, nasa isang two-game losing skid, habang isinusulat ito.

“It’s really nice to get back in a win again from two straight loss,” ani head coach Boyet Fernandez sa kanyang Realtors, naghari sa nakaraang PBA Philippine Cup mula sa kanilang depensa kontra Giants. “My players really did their homework during the All-Star break. I also appreciate our defense against their imports.”

Sa pamumuno nina rookies Ryan Reyes, humugot ng 14 sa kanyang 19 puntos sa second half, at Dennis Daa, muling nakalayo ang Realtors sa 93-73 sa 9:05 ng fourth quarter patungo sa 104-84 bentahe sa huling 3:27 nito galing sa isang 3-point play ni import Wesley Wilson.

Samantala, unti-unti nang nararamdaman ni Romel Adducul ng Purefoods ang paggaling ng kanyang nasopharyngeal cancer matapos ang ilang chemotheraphy sessions.

ARANETA COLISEUM

BOYET FERNANDEZ

COREY SANTEE

DENNIS DAA

FIESTA CONFERENCE

MARIKINA SPORTS COMPLEX

MARQUISE GAINOUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with