^

PSN Palaro

Big-time na mga bangkero ng Boracay

GAME NA! - Bill Velasco -

BORACAY ISLAND, Aklan - Ang Fila Boracay International Dragon Boat Festival ang namayani dito bagamat napakarami nang mga idinaos na summer events sa tanyag na isla. Ang tabing-dagat at tubig sa harap ng Boracay Regency ay puno ng mga manonood at maging mga kalahok.

Sa taong ito, halos isang libong kalahok ang nagtungo sa Boracay upang makisali. Kabilang ang mga koponan mula sa Germany, Liechtenstein, Singapore, Hong Kong, Australia, at siyempre, ang Pilipinas.

Anim na korona ang pinaglabanan: ang 300-meter race for men, women and mixed teams, at ang 500-meter race sa ganoon ding kategorya. Sa unang araw noong Biyernes, napanatili ng Tribu Cam Sur ni Camarines Sur Governor LRay Villafuerte ang kanilang titulo sa men’s division.

Sa unang pagkakataon, may lahok din silang kababaihan, kaya’t nakuha naman nila ang mixed championship. Sa women’s 300-meters, kampeon ang Stormy Dragons ng Hong Kong.

“This year is really much bigger than last year,” sabi ni Candy Ledesma ng Boracay Island Paddlers Association, ang organizer. “We really received a lot of support from the local government, the resort owners and of course, our sponsors. Of course, with the increased participants came a lot of challenges, but it was all done in the spirit of fun and Filipino hospitality. This is really a big event for the island.”

“If you put together sports events like this, you will see that they are actually very big tourism-generating projects,” paliwanag ni Cynthia Carrion, Tourism assistant secretary for Sports and Wellness Tourism.

“All over the world, people want to come to places like Boracay in the Philippines, and this is the best way for us to promote our country. When you blend sports and tourism, you are combining two of the largest industries in the world.”

Ayon sa alamat mula sa China, ang Dragon Boat racing ay may ugat sa buhay ng makabayang manunulat ng mga tula na si Qu Yuan, na namatay noong 278 B.C. Nagbabala siya sa kanilang kaharian ng Chu laban sa mananakop na kaharian ng Qin. Napatalsik si Qu Yuan dahil sa panunulsol ng mga manlolokong ministro.

Nang malaman ni Qu na pinasok na ang kanyang bayan, lumusong siya sa Miluo River na may tangang malaking bato upang magpatiwakal. Nang malaman ito ng mga mangingisda, daglian silang naglundagan sa kanilang mga bapor, at pinatunog ang kanilang mga tambol upang huwag pasukin ng masasamang espiritu o kainin ng isda ang kanyang bangkay. Ngayon, ang pagpapakamatay ni Qu ay kinikilala sa Duan Wu o Tuen Ng Festival, na mas kilala bilang Dragon Boat Festival.

Ang makabagong anyo ng dragon boat racing ay may 20 miyembro sa isang koponan. Labingwalo ay paddlers, kasama ang isang magtatambol at isang steersman. Ang Boracay ay naging aktibo sa dragon boat racing sa huling pitong taon.

“We always prepare for this event, because of the pride of being the champions and representing Cam Sur,” pag-amin ni Camarines Sur Governor LRay Villafuerte, at tunay ngang di matinag ang kanyang mga koponan.

Ang Fila Boracay International Dragon Boat ay handog ng Department of Tourism, sa tulong ng SEA Air, First Metro Securities, Smart, URC, Asian Spirit, The Boracay Strand, Hidden Spring, Sun Life Financial, Euro Motor Corporation at San Mig Light, at sinusuportahan ng programa ng ANC na Hardball at Wave 89.1 at magwawakas ngayong araw.

BORACAY

CAMARINES SUR GOVERNOR

COUNTRY

PLACE

REGION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with