^

PSN Palaro

Nokia RP Youth nakalapit sa Asian Championships

-

KUALA LUMPUR -- Nangalahati na ang Nokia RP Youth team sa kanilang pagbabalik sa Asian championship.

Nakalusot ang RP juniors  sa mahigpit na labang ibinigay ng Thailand upang hugutin ang 92-76 panalo sa Day Two ng 7th SEABA men’s junior championship sa MABA gym dito noong Biyernes ng gabi.

Nagtulong sina Joseph Emmanuel Tolentino, apo ng dating Senator Arturo, at Jaypee Mendoza sa pag-atake ng RP Squad matapos ang naunang   98-67 pananalasa sa Malaysians noong Huwebes.

Umiskor si Tolentino ng 10 sa kanyang game-high 18 points sa fourth period habang kumamada naman si Mendoza ng 12 sa kanyang tinapos na 14 sa seven-minute stretch sa huling bahagi ng third quarter at simula ng final canto.

Nag-ambag din si Fil-Canadian center Norberto Torres at FEU guard Ryan Roose Garcia sa kaagahan ng laro sa kanilang tinapos na tig-14 puntos upang manatiling walang talo ang RP juniors sa five-day tournament na ito.

Walang laro ang RP juniors, sinuportahan ng Nokia at Tao Corp. sa ilalim ni president Jun Sy, kahapon at magbabalik aksiyon sa pakikipagha-rap sa Indonesia sa alas-9:00 ng umaga ngayon.

Ang Malaysia at Thailand ay naglalaro kaga-bi para sa posibleng second place.

Sa ilalim ni American coach Felton Sealy, mahigpit ang labang ibinigay ng Thais sa unang tatlong quarters ngu-nit kinapos sila nang humataw ang RP Youth na nahasa sa kanilang stint sa Philippine Basketball League (PBL), sa final canto.

ANG MALAYSIA

DAY TWO

FELTON SEALY

JAYPEE MENDOZA

JOSEPH EMMANUEL TOLENTINO

JUN SY

NOKIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with