Umiskor si Olympic lightflyweight boxing qualifier Harry Tanamor ng third round stoppage kay Cuban Iran Perez para sa automatic bronze medal sa fourth Cuban Sports Olympiad sa Havana kamakailan lamang.
Gayunpaman, nabigong makausad si Tanamor sa finals matapos ang 14-12 decision laban kay Beijing qualifier Zhakypov Sarkyzan ng Kazakhstan.
Nakakuha din ng bronze si flyweight Rey Saludar mula sa torneong nilahukan ng 132 fighters mula sa 8- bansa
Ang isa pang Pinoy na si bantamweight Charlie Suarez, ay nagtala ng 46-45 countback win laban kay Cuban Noelkis Cabrera sa four-round bout na natapos sa tie, 9-9 ngunit natalo si Suarez ,8-6 sa quarterfinal sa isa pang Cuban na si Oxieris Hernandez..(Quinito Henson)