^

PSN Palaro

Liderato itataya ng Coke vs Red Bull

-

Itataya ng Coca-Cola ang hawak na liderato sa pakikipagharap sa mapanganib na Red Bull sa tampok na laro ngayon sa pagbabalik aksiyon ng PBA Fiesta Cup sa Araneta Coliseum matapos ang pagbibigay daan sa All-Star week.

Alas-7:20 ng gabi ang sagupaan ng Coke at Red Bull pagkatapos ng engkwentro ng Magnolia at Welcoat sa alas-4:50 ng hapon.

Taglay ng Tigers ang 5-1 kartada kasunod ang Red Bull na may 4-1 record.

Nanggaling ang Coke ni Binky Favis buhat sa 95-88 tagumpay kontra Sta. Lucia noong Abril 22, samantalang itinakas naman ng Red Bull ni Yeng Guiao ang malaking 100-97 overtime win laban sa Alaska noong Abril 19 sa Laoag City.

Hangad naman ng Dragons na masundan ang malaking panalo na lumukob sa kanilang 0-4 simula sa pakikipagharap sa Beverage Masters.

Pinapaborang manalo ang Magnolia na nakasakay sa tatlong sunod na panalo matapos ang 0-2 simula.

Tinalo ng Dragons ang Purefoods, 110-103 noong Abril 20 kung saan tumipa sina imports Marquise Gainous at Corey Santee ng 25 puntos at 11 rebounds at 15 marka at 10 assists, ayon sa pagkakasunod. (Mae Balbuena)

vuukle comment

ABRIL

ARANETA COLISEUM

BEVERAGE MASTERS

BINKY FAVIS

COREY SANTEE

FIESTA CUP

LAOAG CITY

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with