^

PSN Palaro

Batang Pier nakatikim ng talo sa Pharex

-

May koponan na ring nakapagpatikim ng kabiguan sa mga Batang Pier.

Kasabay ng kanilang pagbulsa sa isang quarterfinals seat, winakasan naman ng Pharex ang 12-game winning streak ng Harbour Centre mula 99-97 panalo sa 2008 PBL Lipovitan Amino Sports Cup kahapon sa The Arena sa San Juan.

Sa kabila ng nasabing kabiguan, tangan pa rin ng Batang Pier aang liderato mula sa kanilang 12-1 kartada kasunod ang Hapee Complete Protectors (9-5), Burger King Whoppers (8-6), Medics (7-7), Toyota Otis Sparks (7-7), San Mig Coffee  (6-8), Noosa Shoe Stars (6-9), Bacchus Raiders (5-9) at RP Youth (0-8).

Nakalapit ang Harbour Centre sa 80-83 agwat mula sa dalawang sunod na basket ni Jerwin Gaco bago ang 4-4 atake ng Pharex para kunin ang 94-87 lamang.

Kailangan na lamang ng Medics ni coach Carlo Tan na manalo sa Whoppers ni Allan Gregorio sa Martes para maisubi ang inaasam na ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals.

Umiskor si Ian Saladaga ng 26 marka para pamunuan ang Pharex, habang may 31 naman si Jason Castro para sa Harbour Centre.

Sa ikalawang laro, pormal na kinuha naman ng Toyota Otis ang isang quarterfinal ticket makaraang talunin ang Noosa, 89-81, tampok ang 21 marka ni Jonathan Aldave.

“As long as we have a chance, we’ll go for it,” wika ni mentor Ariel Vanguardia sa Sparks. “I have to thank the management for sticking with me.”

Sa unang aksyon, tinalo ng San Mig Coffee ang SEABA-bound Nokia-Philippine Youth team, 76-60, para palakasin ang tsansa sa quarterfinals. (R.Cadayona)

ALLAN GREGORIO

ARIEL VANGUARDIA

BACCHUS RAIDERS

BATANG PIER

HARBOUR CENTRE

PHAREX

SAN MIG COFFEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with