Bazooka dapat nang maghanda
Dapat nang paghandaan ng 19-anyos na si Filipino super flyweight sensation AJ “Bazooka” Banal ang kanyang mga susunod na laban.
Sinabi ni Filipino promoter/manager Michael Aldeguer na hangad nilang makakuha ng mga top-rated fighters para sa susunod na laban ni Banal, ang kasalukuyang World Boxing Organization (WBO) Asia-Pacific Youth super flyweight champion.
“We’re looking for a top-rated fighters who has fought maybe the best super flyweight champions,” awika ni Aldeguer sa kanyang plano kay Banal. “An opponent who has fought the likes of Fernando Montiel, Dimitri Kirilov or Christian Mijares.”
Isa sa mga pangalang tinitingnan ni Aldeguer ay si Mexican title contender Cecilio Santos, may 22-8-3 win-loss-draw ring record na may 12 KOs.
“He has a record of 22 wins, 8 losses and 3 draws. But his eight losses were against the top notch fighters, like Fernando Montiel and Dimitri Kirilov,” ani Aldeguer sa 29-anyos na si Santos.
Isang majority draw ang nakuha ni Santos sa kanyang paghahamon sa suot na International Boxing Federation (IBF) super flyweight belt ni Kirilov noong Pebrero 28 sa New York City.
Ibinabandera ni Banal, umiskor ng isang fourth-round TKO kay Caril Herrera ng Uruguay noong Abril 6 sa Araneta Coliseum, ang 17-0-1 win-loss-draw ring card kasama ang 14 KOs. (RCadayona)
- Latest
- Trending