Cuartero sa Last 16
Nagpasikat si Alan Cuartero nang makalusot ito sa round of 32 para maging unang Pinoy sa last-16 ng 2008 World 8-ball Championships na ginaganap sa Amir Billiards Club sa Fujairah City, United Arab Emirates kagabi.
Hindi naging madali ang daan ni Cuartero patungo sa last-16 nang dumaan ito sa matinding hamon laban kay dating world champion Wu Chiaching ng Chinese Taipei bago niya ito dinispatsa sa 10-8 iskor.
Nakalamang na si Cuartero sa race to 10 na labanan ngunit nakatabla si Wu Chiaching ng Chinese Taipei sa 8-all.
Abante na si Cuartero sa 8-4, pero bumawi si Wu at ipinanalo ang sumunod na apat na racks para magkatabla. Pero talagang para kay Cuartero ang laban dahil nakuha niya ang 17th rack para mauna sa hill at tinapos ang laban sa sumunod na rack.
Nakalusot si Cuartero sa group matches para makapasok sa round of 32 knockout stage matapos talunin sina Issa Al Boloshi ng host country (8-1) at kababayang Jeff De Luna (8-5).
Nakatiyak na si Cuartero ng $6,000 premyo at susunod niyang kalaban ang mananalo sa pagitan nina Bahram Lofty ng
Hindi naman pinalad si Elvis Calasang nang pagpahingahin na ni dating World Pool Champion Ralf Souquet ng
- Latest
- Trending